Gamit ng Wika sa Lipunan

Introduksyon


Ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan. Marami ang mga gamit o tungkulin ang wika sa lipunan. Ang wika din ay isang sistema ng pakikipag-ugnayan na nagbubuklod sa mga tao. Hindi matatawaran ang mahalagang gamit nito sa lipunan.


M.A.K. Halliday

Gamit o Tungkulin ng Wika ayon kay M.A.K Halliday

Isa sa nagbigay ng kategorya nito ay si M.A.K Halliday na naglahad sa pitong tungkulin ng wika na mababasa sa kanyang aklat na Explorations in the Functions of Language (Explorations in Language Study) (1973). 




Mga Tungkulin ng Wika ni M.A.K Halliday

1. Instrumental - Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba.
Halimbawa:

a. Liham                                                                                                                                b. Patalastas















2. Regulatoryo - Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol o sa paggabay ng ugali ng iba.
Halimbawa:
Mga babala kagaya nito

3. Interaksiyonal - Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kaniyang kapwa.
Halimbawa:

a. Pakikipagbiraun                                                                                         b. Pakikipagpalitan ng kuro-kuro












4. Personal - Nakakapagpahayag ng sariling damdamin, emosyon o opinyon.
Halimbawa:
Pagsulat ng journal o diary. 

5. Heuristiko - Ang tungkuling ito ay ang pagkuha o ang paghahanap ng impormasyon o datos.
Halimbawa:
Panonood sa telebisyon ng mga balita

6. Impormatibo - Ito ang kabaligtaran ng heuristiko. Ito ang pagbibigay ng impormasyon o datos sa paraang pasulat at pasalita.
Halimbawa:

a. Talaan ng Nilalaman                                                                                             b. Pagbibigay-ulat

















Gamit o Tungkulin ng Wika ayon kay Jakobson
Roman Jakobson


Si Jakobson (2003) naman ay nagbahagi rin ng anim na paraan ng pagbabahagi ng wika.







Mga Tungkulin ng Wika ni Roman Jakobson

1. Pagpapahayag ng damdamin (Emotive) - Ito ang pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin, at emosyon.
Halimbawa:

a. Umiiyak                                                                                                      b. Nagagalit















2. Panghihikayat (Conative) - Ito ay ang tungkul ng wika upang makahimok at makaimpluwensiya ng ibang tao.
Halimbawa:
  1. Dapat na tayo ay sumalampataya sa Diyos dahil nakita niyo naman ang delubyong hatid ng mga sakunang ating nararanasan ngayon.
  2. Ang mga drug addicts ay salot sa lipunan kaya marapat na lamang sila ay alisin at patayin.
  3. Tingnan niyo naman kahit pagod na ang ating Pangulo ay nagtatrabaho parin siya para sa ating bayan.
3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic) - Ito ang tungkulin ng wika na ginagamit upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.
Halimbawa:
  1. Kamusta ka?
  2. Magandang umaga po. 
  3. Saan ka galing?
4. Paggamit bilang sanggunian (Referential) - Ipinakikita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon.
Halimbawa:
  1. "Ayon sa Google at Wikipedia..."
  2. "Ayon sa aklat na sinulat ni Jose Rizal..."
5. Paggamit ng kuro-kuro (Metalingual) - Ginagamit ang wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng komentaryo sa isang kodigo o batas.
Halimbawa:
  • Malinaw na isinasaad sa Batas Komonwelt Blg. 184 ang pagkakatatag ng Surian ng Wikang Pambansa na ngayon ay Komisyon ng Wikang Filipino

6. Patalinghaga (Poetic) - Masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng sanaysay, prosa at iba pa.
Halimbawa:

Isang tula tungkol sa isang tren

Konklusyon

Matapos unawain ang iba't ibang tungkulin ng wika ayon sa dalawang dalubhasa, maiiba na ang pananaw natin sa wika. Hindi na natin ito titingnan bilang isang normal na bagay na ginagamit sa araw-araw kundi isang susi sa pagkakaisa at pagkakaunawaan sa lipunan.


Mga Komento

Mag-post ng isang Komento